Connect with us

Entertainment

‘Best run of my life’: Pia Wurtzbach natupad ang pangarap na maging NYC Marathon finisher

Published

on

Napagtagumpayan ni Pia Wurtzbach ang mahigit 42-km New York City marathon; ang kanyang kauna-unahang paglahok sa marathon na inilarawan niya bilang “best run of her life.”

Ibinahagi ng Miss Universe 2015 titleholder ang kanyang karanasan kalakip ng mga larawan niya at ng mga nag-cheer sa kanya sa naturang event, na ipinost niya sa Instagram noong Lunes, Nobyembre 8.

“I did it! We did it!” aniya. “The NYC Marathon wasn’t a race, it was an experience. A life lesson. Probably the best run of my life.”

“This medal represents how important it is that we keep the promises we make to ourselves,” wika niya. “Over the years, I got used to being at the service of others and most of my decisions revolved around work or pleasing others. This time, I stuck by running a marathon for me.”

Advertisement

“This was my way of taking care of myself. And now, it has enriched my life so much because it has put me in a better place, so I feel recharged [and] energized to be of service to others,” dagdag pa ni Pia.

Pagkatapos ay pinasalamatan ng 33-anyos na dalaga ang kanyang mga kaibigan at mahal sa buhay kabilang ang kanyang kasintahang Scottish businessman na si Jeremy Jauncey, na sumuporta mula sa kanyang pagsasanay hanggang sa sandaling naabot niya ang finish line.

“I’m grateful for all the support and cheering on ground and online. I saw your signages, your messages, and posts — kahit sobra yung kaba ko and yung pagod 5 hours in, lumalakas loob ko,” pagtatapos niya.

“Pwede ko na ring sabihin ngayon: Pia Alonzo Wurtzbach from the Philippines, proudly a NYC marathon finisher.”

Hindi naman nagpahuli ang kanyang kasintahan at nag-post rin ito sa kanyang IG, “SHE DID IT!, COVID crazy work & travel schedule couldn’t stop her. I’m so proud,” anito.

Advertisement

Inihayag ni Miss Universe 2015  ang kanyang paglahok sa marathon noong Hulyo, at idinagdag na nagsasanay na siya para dito mula pa noong Pebrero.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Pia Wurtzbach (@piawurtzbach)

Advertisement

Entertainment

Angeline Quinto sa anak na 10 months old na: ‘Kasing bilis na ng horse ang paggapang ng Baby Love ko!’

Published

on

By

Ang aktres at singer na si Angeline Quinto ay nagbahagi ng mga ilang cute na larawan ng kanyang panganay na anak na si Sylvio.

Sa kanyang social media account ay nag-upload ang aktres ng picture ng kanyang anak na ngayon ay sampung buwan na!

Grabe, napakabilis lang ng panahon at hindi mo rin mamamalayan na mabilis rin lumaki ang mga babies!

“Giddy up! Sylvio is now 10 MONTHS old! Kasing bilis na ng horse ang pag-gapang ng Baby Love ko! @babysylvio,” aniya sa kanyang IG post.

Advertisement

Bumuhos naman ang papuri mula sa kanyang mga followers sa IG at cute na cute sa anak ni Angeline.

“Napaka-kyooooowt ni Baby Sylvio.”

“Nakakatunaw naman ang mga mata ni Sylvio.”

“Happy 10th month baby sylvio..lapit ng mag 1 year old…super cute!”

“Happy 10th month, cutie Sylvio. Ang bilis naman.”

Advertisement

Kamakailan ay masayang pinaarawan ng singer ang kanyang baby. “Konting paaraw with my @babysylvio Ano ang hinahanap mo sa tubig, Baby Love ko?” saad ni Angeline.

Basahin: ‘Magiging nanay na rin ako’: Angeline Quinto umaming nagdadalantao

Matatandaang noong 2021 ibinunyag ng aktres na nagdadalantao siya kay Sylvio!

Sa isang episode ng The Purple Chair Interview, ibinahagi ni Angeline sa beteranong host na si Boy Abunda na siya ay kasalukuyang nagdadalantao sa panganay na anak nila ng kanyang kasintahan sa loob ng mahigit isang taon. Pag-amin niya, “Kaya ko po na-post ‘yon dahil kay Mama Bob (na yumao na) at pangalawa po kasi, magiging nanay na rin ako.”

“Next year, Tito Boy. April po (ako manganganak),” pagbabahagi pa niya. Ayon kay Angeline, Setyembre nitong taon nang malaman niyang siya pala ay nagdadalantao.

Advertisement

Basahin: It’s a boy: Vice Ganda naghanda ng gender reveal party para kay Angeline Quinto

Ipinanganak ni Angeline ang kanyang anak na lalaki noong Abril 2022.

Basahin: Angeline Quinto kumasa sa ‘Photoshoot challenge’ sa gitna ng Times Square kasama ang kanyang team

Advertisement
Continue Reading

Entertainment

Xyriel Manabat napansing walang upuan sa family picture ng Fiero sa ‘Dirty Linen’, kinaaliwan ng netizens

Published

on

By

Trending at usap-usapan ngayon ang bagong revenge-drama series sa primetime bida, ang ‘Dirty Linen’, na patok naman agad sa viewers kahit kauumpisa pa lamang nito dahil sa kapana-panabik na mga eksina.

Ibinahagi ng Kapamilya Online World ang family picture ng Fiero, na may caption na, “Family of the year goes to… FIERO FAMILY.”

Napansin kasi ng mga netizens ang larawan kung saan ang dating child star na si Xyriel Manabat ay makikitang walang upuan at parang hirap na hirap daw ito.

Kinagiliwan din ang ipinost sa Twitter ng isang social media personality na si Esnyr kung saan makikita ang pabirong komento nito patungkol sa isang larawan mula sa teleseryeng ‘Dirty Linen.’

Advertisement

“Bakit hindi niyo binigyan ng upuan si Xyriel? Mababawasan siya ng followers!!!” pabirong tweet nito.

Bumuhos naman ang mga kalokohang komento mula sa netizens dahil kahit sa family picture ay makikitang may paborito na apo.

“Pati sa family picture may favoritism.”

“Si Francine kasi Ang prinsesa ng mga fiero.”

Biro ng isang netizen, “siya pa naman ang may pinaka mabigat na dala.”

Advertisement

“Ngayon ko lang napansin na wala siyang upuan mhie,” hirit pa ng isa.

Kamakailan ay nag-viral sa social media ang isang eksena ni Xyriel sa kanyang pagganap bilang Tonet sa naturang teleserye.

Sa episode ng Dirty Linen, hindi lang pinalayas kundi kinamuhian pa ng kaniyang pamilya si Ador, ang ama ni Xyriel (na ginampanan ni Epy Quizon) dahil sa kalokohang ginawa nito.

Panoorin ang trending na damang-dama ng mga viewers;

Sabi ng isang manonood; “May back story siguro na ipapakita kay Xyriel, ‘yung reason kung bakit mahalaga sa kaniya ‘yung social media image. Remember, left out sila sa family Fiero. Baka ‘yung social media ang way n’ya para hindi ma-feel ‘yung leftout.”

Advertisement

Mapapanood gabi-gabi ang Dirty Linen sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live, iWantTFC, at TFC 9:30 pm.

Continue Reading

Entertainment

Song Joong Ki inanunsyo na ikinasal na kay Katy Louise Saunders, magkakaanak na sila

Published

on

By

Ang sikat na Korean actor na si Song Joong Ki ay magsisimula na ng isang bagong pamilya!

Noong Enero 30, ayon sa ulat ng Soompi, ay sinabing pumunta umano ang aktor sa kanyang opisyal na fan cafe upang ibahagi ang balita sa mga masugid na tagahanga.

Ayon sa kaniyang ipinost na liham para sa kanyang mga tagahanga, siya ay ikinasal na at nagdadalantao ang kanyang asawang aktres na si Katy Louise Saunders.

Sa panimula ng kanyang sulat, “Hello. This is Joong Ki.”

Advertisement

Pagpapatuloy niya, “Today, I am greeting you because I want to share a promise that is more happy and valuable to me than anything.

I have promised to continue life together with Katy Louise Saunders, who has been by my side supporting me and who I have spent valuable time with while cherishing each other.”

Inilarawan din niya ang babaeng itinatangi. “She has a kind heart, and she has lived her life passionately. She is a sensible and amazing person to the point that I revere her.”

Dahil umano kay Katy ay nagiging mas mabuti siyang tao. “Thanks to her, I am becoming a better person.”

“We naturally dreamed of creating a happy family together. We have put in much effort to keep each other’s promises, and we are sincerely thankful as a new life has come to us.”

Advertisement

Dito rin niya inihayag na kagagaling lamang nila sa pagpaparehistro ng kanilang kasal. “And today, based on our deep trust and love for each other, we are on our way back from registering our marriage to begin life as a married couple.”

Sa pagpapatuloy ng kanyang liham, “As we are now, the two of us will walk our days ahead beautifully while facing the same direction.

I sincerely thank all the fans who always cherish me no matter what.

Especially following the wishes and support of Ki Aile (Song Joong Ki’s fan club) who provide the greatest strength to me throughout my acting career, I will work to fly higher as an actor and individual with the wings of greater responsibility and passion.

I hope everyone will be happy and healthy until the day I can greet you in person.”

Advertisement

Kinumpirma ni Song Joong Ki na may relasyon sila noong Disyembre ng nakaraang taon.

Matatandaan na ikinasal siya sa co-star na si Song Hye Kyo noong 2017 at naghiwalay sila noong taong 2019.

Continue Reading

Trending